Mahirap ang Magpaalam
Friday, May 20th, 2005Mahirap ang Magpaalam…ilang araw na lang at ako ay magsisimula nang lumakbay sa himpapawid at tutungo sa isang lupaing banyaga…bakit nga ba tayo umaalis at pagkaraan nang ilang buwan ay inaasam ang makabalik sa lupang tinubuan? Ito nga ba ay dahil sa pangangailangan…sa tawag nang panahon? Ang mahalaga ay maranasan natin ang ibang kultura upang mas lalu nating maisip na ang kultura natin ay may mga kagandahan at mga kakulangan…Kahit nasaan man tayo…kahit nasaang dako nang mundo…hayaan nating maranasan ang daigdig!…Paalam