Archive for October, 2005

Kahit Pa

Friday, October 21st, 2005

Muling lalapit

Ang liwanag sa paligid

At ang tinig

Na sa akin nagsasabing

Hindi mapipigil ng mundo

Papatunayan ang pangako

Dahil kailangan ka

Kailangang pakita natin tayo’y iba

At kahit pa

Hindi papapigil sa mundo

At sa umagang darating

Lahat ay aking kakayanin

At kahit pa ikaw lang at ako

Huwag mong iisipin

Ang mga harang sa atin

At ang ihip ng hangin ay darating

Bigla lang titigil ang mundo

At ang lahat ay maglalaho

Hindi ko man hawak ang panahon

Maging ang ikot ng buhay

Basta’t ikaw at ikaw pa rin

Ikaw at ikaw pa rin

- para sa aking minamahal na Sheila