Hiling

Nahihirapan na ang
  aking isip
  nauubusan na ng sasabihin sa iyo..
  nanlalamig na ba ang pag-ibig mo sa ‘kin..
  giliw..

nalilito ako, nais
  kong sagipin ang ating
  nalulunod na pag-ibig
  nguni’t handa akong palayain ka
  kung ito ang ‘yong hiling
  gaano man kasakit sa akin
  ibibgay sa yo
  ang tanging pakiusap lang
  wag mo akong kalimutan..

kay rami nang nagdaan
  na pagsubok sa ting pag-ibig
  kakayanin pa kayang mabawi pa
  ang mga nasabi nang masasakit na salita..

kung ito ang yong
  hiling
  gaano man kasakit sa akin..
  ibibigay sa yo..

nanlalamig na bang
  pag-ibig mo?

Leave a Reply